Hot News

Kaso ng ILI sa PSHS dumarami, F2F klase sinuspindi Oct. 19-20

49 Views
Classes
Larawan: Philippine Science High School – Main Campus/FB

SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa Philippine Science High School (PSHS) Main Campus sa Diliman, Quezon City, sa Oktubre 19 at 20, 2026, dahil sa dumaraming ulat ng influenza-like illnesses (ILI) sa campus community.

Sa advisory ng paaralan, ipatutupad ang alternatibong paraan ng pag-aaral sa loob ng dalawang araw bilang pag-iingat, habang work-from-home arrangement naman ang susundin ng mga guro.

Samantala, online gaganapin ang club at homeroom meetings ngayong Biyernes, Oktubre 16. Gayunman, tuloy pa rin sa itinakdang iskedyul ang card-giving activity. Maaari ring kunin ng mga magulang ang report card ng mga estudyanteng may substandard grades at kumonsulta sa kanilang mga guro. Ang report cards naman ng mga estudyanteng walang substandard grades ay ipamamahagi kapag nagbalik na ang face-to-face classes.

Pinapayagan ding umuwi ang mga dormer matapos ang klase ngayong Oktubre 15, maliban sa mga uuwi kasama ang kanilang mga magulang pagkatapos ng parent-teacher conference.

Hinimok ng paaralan ang mga guro, kawani at estudyante na agad iulat ang anumang sintomas ng ILI sa Health Services Unit sa pamamagitan ng email na healthservices@pshs.edu.ph o kumonsulta kay Dr. Marjulis Cruz.