DOH

Kaso ng leptospirosis dumami

284 Views

TUMAAS ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa datos na inilabas ng ahensya, 1,411 kaso ng leptospirosis ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 6.

Mas mataas umano ito ng 22 porsyento kumpara sa 1,157 na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Pinakamarami umanong kaso ang naitala sa National Capital Region na umabot sa 263, sumunod ang Western Visayas na may 171, at ang Cagayan Valley na nakapagtala ng 169.

Sa bilang ng mga nagkasakit ng leptospirosis ngayong taon ay 188 ang nasawi.