DOH

Kaso ng leptospirosis tumaas noong Hulyo

250 Views

TUMAAS ang bilang ng kaso ng leptospirosis at dengue noong Hulyo, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, mula Hulyo 16 hanggang 29 ay 199 bagong kaso ng leptospirosis ang naitala, mas mataas kumpara sa 170 kaso na naitala dalawang linggo bago ito.

Mula Hulyo 18 hanggang 29 ay nakapagtala naman ang DOH ng 47 pagkamatay sanhi ng leptospirosis. Sa naturang bilang 13 ang naitala sa National Capital Region.

Mula Enero 1 hanggang Hunyo 29 ay 2,335 kaso ng leptospirosis ang naitala mas mataas kumpara sa 1,531 kaso sa kaparehong panahon noong 2022.

Samantala, ayon sa DOH mula Hulyo 2 hanggang 15 ay nakapagtala naman ito ng 9,877 kaso ng dengue, mas mataas sa 9,782 na naitala dalawang linggo bago ito.

Mula Enero 1 hanggang Hunyo 29 ngayong taon ay nakapagtala na ang DOH ng 90,320 kaso ng dengue, mas mababa kumpara sa 116,032 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.