Vergeiri

Kaso ng Omicron subvariant BA.5 sa bansa nadagdagan ng 1,015

255 Views

NADAGDAGAN ng 1,015 ang bilang ng mga kaso ng Omicron subvariant BA.5 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa genome sequencing na isinagawa mula Hulyo 30 hanggang Agosto 1.

Ang lahat umano ng rehiyon ay nakitaan ng naturang Omicron subvariant maliban sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

Sa kabuuan ay 3,012 na ang bilang ng subvariant BA.5 sa bansa,

Samantala, sinabi ng DOH na naitala na ang unang dalawang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na tinatawag ring “Centaurus.” Ang mga nahawa ay taga-Western Visayas.

Magaling na umano ang dalawang ito.

Ayon kay Vergeire ang BA.2.75 ay pinaniniwalaang mas nakakahawa at mas nakalulusot sa immunity na nagagawa ng bakuna laban sa COVID-19.

Nadagdagan naman ng 26 ang mga kaso ng Omicron subvariant na BA.4 sa bansa. Umakyat na sa 97 ang kabuuang bilang ng naturang subvariant sa bansa.

May 18 bagong kaso ng subvariant na BA.2.12.1 na na-detect, ayon sa DOH. Umakyat na ang kabuuang bilang nito sa 172.