House Deputy Majority Leader Paolo Ortega House Deputy Majority Leader Paolo Ortega

Kaso sa SC vs GAA isang destabilisasyon vs gobyerno

31 Views

ANG petisyon na inihain sa Korte Suprema (SC) laban sa 2025 General Appropriations Act (GAA) ay isa umanong pagtatangka na ma-destabilize ang gobyerno at maibalik ang P1.3 bilyong budget ng Office of the Vice President (OVP), na tinanggal ng Kongreso dahil sa kakulangan umano ng transparency sa paggamit ng pondo.

Kinondena ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega ang petisyon na inihain nina Rep. Isidro Ungab, Atty. Vic Rodriguez at kanilang mga kaalyado, na isa umanong bahagi ng mas malawak na planong pampolitika na ang layunin ay maghasik ng kawalang-katiyakan at pahinain ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Samantala, iginiit ni acting House committee on appropriations chairperson Rep. Stella Luz Quimbo ng Lungsod ng Marikina na hindi na kinakailangan ng muling ratipikasyon ng Kongreso ang naiwastong ulat ng bicameral conference committee, dahil may kasama na umano sa niratipikang bicameral conference committee report ng probisyon para sa gagawing pagbabago.

“Our position is that the ratification of the corrected bicam report is unnecessary. This is simply because Omnibus Provision 2 of the Report, which was ratified by the members, allows for the possibility of corrections, within limits stated in Omnibus Provision 1 (typographical errors and adjustments as a consequence of amendments),” ani Quimbo.

Tinawag ni Ortega, isang miyembro ng Young Guns ng House of Representatives, ang petisyon sa SC bilang isang “calculated political gambit” na layong hadlangan ang progreso ng administrasyon at guluhin ang pamahalaan.

“The petition filed by Rep. Isidro Ungab, Atty. Vic Rodriguez, and their allies before the Supreme Court questioning provisions in the 2025 General Appropriations Act (GAA) is more than just a legal maneuver — it is a calculated political gambit that exposes their intent to obstruct progress and destabilize the administration of President Ferdinand Marcos Jr.,” ani Ortega.

Inakusahan niya ang mga nagpetisyon na sinusubukang baligtarin ang desisyong ginawa ng Kongreso na bawasan ng P1.3 bilyon ang badyet ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

“Let us not mince words: this petition is an effort to undo the decision of Congress to cut P1.3 billion from the budget of the Office of the Vice President, a decision rooted in Congress’s constitutional duty to ensure that public funds are judiciously allocated,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Ortega na ang hakbang na ito ay bahagi ng isang pattern ng politikal na pagmamanipula na naglalayong magpalaganap ng pagdududa sa pagiging lehitimo ng pambansang badyet.

“The motives behind this petition are suspect, to say the least. This is not just about budgetary provisions — it is about political leverage,” aniya.

Binalaan niya na ang tunay na layunin ng paghahain ng petisyon ay pahinain ang administrasyong Marcos at ihanda ang posisyon para sa konsolidasyon ng kapangyarihan ni Vice President Sara Duterte.

“The narrative being constructed here is clear: sow doubt about the legitimacy of the 2025 GAA, delay its implementation and weaken the administration. It is difficult to ignore the possibility that these moves are part of a broader scheme to undermine President Marcos and position Vice President Sara Duterte for an eventual takeover,” dagdag ni Ortega.

Tinawag niya ang ganitong mga taktika bilang “divisive and dangerous,” na binibigyang-diin na hindi lamang nito nilalagay sa panganib ang katatagan ng gobyerno kundi pati ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng bansa.

“These tactics are divisive and dangerous, especially at a time when the Filipino people expect their leaders to focus on solutions rather than scheming. It is not just the government’s stability that is at stake—it is the trust of the people in our institutions,” aniya.

Hinikayat ni Ortega ang publiko na tanggihan ang naratibo ng mga nagpetisyon at kilalanin ang tunay na layunin sa likod ng hakbang na ito.

“I call on my colleagues and on the public to see this petition for what it truly is: a desperate bid for political survival disguised as a constitutional question,” aniya.

Muling pinagtibay niya ang pangako ng Kamara na ipagtanggol ang integridad ng badyet ng 2025 at tiyakin na ito ay maglilingkod sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

“The House of Representatives stands firm in its defense of the 2025 national budget. We trust the Supreme Court to exercise its judicial wisdom and dismiss this petition, as it is clearly designed to obstruct and destabilize rather than to uphold the Constitution,” dagdag ni Ortega.

Binigyang-diin niya na ang pamamahala ay hindi dapat maging bihag ng mga ambisyong pampolitika, na nagbabala na ang ganitong mga legal na hakbang ay nakapipinsala sa pambansang katatagan.

“‘The people deserve leaders who put the nation’s welfare above their personal ambitions. Now is not the time for gamesmanship or for exploiting legal processes to achieve political ends,’” aniya.

Tinapos niya ang kanyang pahayag sa panawagan para sa pagkakaisa at pamumuno, at hinihimok ang Kongreso at ang publiko na magpatuloy at huwag madala sa mapanirang mga scheme ng politika.

“Now is the time for unity, for action, and for leadership. Let us move forward, not backward, and let us defend the integrity of our institutions and the future of this nation,’” pagtatapos ni Ortega.