Calendar
Kasong kriminal nakaabang sa driver na nakasagasa sa estudyanteng tumalon sa LRT
POSIBLENG maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng isang sedan na nakasagasa sa 23-anyos na estudyante na nahulog sa EDSA–Fernando Poe Jr. LRT station sa Quezon City noong Miyerkules.
Ayon kay P/Maj. Jennifer Gannaban, tagapagsalita ng Quezon City Police District, iniimbestigahan na ang 31-anyos na driver na si alyas Albert at nasa kustodiya na ng QCPD Traffic Sector 6.
Sinabi ni Gannaban na ihaharap sa piskalya ang driver upang matukoy kung may sapat na batayan para sampahan ng kaso.
Batay sa ulat ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), tumalon umano ang biktima ayon sa kanilang imbestigasyon at CCTV footage.
Sa dashcam video ng sangkot na sasakyan at ng isa pang motorista, makikitang bumagsak ang biktima sa hood ng itim na sedan at nakaladkad ng halos 10 metro bago huminto ang sasakyan.
