Kathleen Larawan: Kathleen Hermosa/IG

Kathleen Hermosa humiling na magkaroon ulit ng triplets

250 Views

MALUNGKOT na ibinahagi ng aktres na si Kathleen Hermosa ang “pagkawala” ng kanyang triplets.

Sa kanyang Instagram post, Nobyembre 2, masayang isinapubliko ng aktres na nagkaroon sila ng triplets ng kanyang partner na si Carl Miko Santos noong Setyembre 22, 2023. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman nila na ang kanilang babies ay walang heartbeat at hindi pa buong na-develop.

“We were once pregnant with our triplets. I named them TresM!” caption ng aktres.

Sa kanyang Youtube channel, doon na ipinaliwanag ng aktres ang lahat ng nangyari. Grabe ang iyak nito noong malamang siya’y buntis.

Pagdating ng ilang buwan sinunod na nito ang monthly ultrasound upang malaman kung may heartbeat ba ang mga bata. Sa pangatlong, ultrasound doon na nalaman ng couple na wala talagang naririnig na heartbeat ang doktor.

Matapos ang malungkot na pangyayari, sumulat naman ang aktres kung saan sinabi niyang naniniwala pa rin siyang may milagro na mangyayari.

Aniya, “I’m not giving up, because ang mundo ko ay puno ng miracles. So hindi talaga ako naniniwala na ‘di kaya ni God gawin. Lahat kaya niyang gawin. I even asked God, saan ba ako nagkamali? May nagawa ba akong mali? I really don’t understand why it happened when at the very beginning of our pregnancy, we really decided to just do our best even though ang daming restrictions.”

“Marking this day as one of His faithful reminders. He did it to us. He will do it again. GOD WILL MAKE US PREGNANT AGAIN! With healthy both myself and triplets again! And He is no doubt capable of making it happen to you too!” paliwanag pa nito sa kanyang IG post.