TNT

Kathryn at Joshua pinasaya ang mga masuwerteng TNT KaTropa

9 Views

Masaya ang pagpasok ng taon para sa limang masuwerteng TNT subscriber na nakahalobilo ang mga KaTropang sina Kathryn Bernardo at Joshua Garcia bilang bahagi ng TNT Paskong Panalo promo.

Kabilang sa mga nanalong subscriber na nag-register lamang sa kanilang mga paboritong TNT promo ay sina Benjie Carpio mula sa Pasig City, Gelica Gemina ng Quezon City, at Ophelia Dantes ng Tarlac. Hindi nila akalain na ang kanilang mga raffle entry ay magdadala sila sa isang pananghalian na puno ng masasayang kwentuhan kasama si Kathryn.

“’Di ako makapaniwala na nasa harap ko si Kathryn! Sobrang na-appreciate ko po itong experience,” kwento ni Gelica, 34, isang BPO employee at TNT subscriber ng mahigit 14 na taon.

“Cloud 9 po talaga ang feeling. Di ko rin inexpect na sobrang friendly at sobrang wise ni Kathryn. Worth it po talaga yung puyat ko,” sabi naman ni Ophelia, 29, na dumiretso pa mula sa panggabing trabaho.

“Kinabahan po ako at di talaga makapaniwala,” sabi naman ni Benjamin, 34, na umupo sa harap mismo ni Kathryn sa buong session. “Napaka-humble at napakabait niya at sana hindi siya magbago.”

Bilang TNT KaTropa, game naman si Kathryn na nakipagkwentuhan tungkol sa kanyang karera at personal life at nagbigay din ng mga payo sa mga nanalong subscriber.

“’Di kami lumaking expressive. Pero ngayon na may pamangkin na ako, we’re trying our best to say words of affirmation as much as possible. We learned that it’s important to say ‘I love you, thank you, and I’m sorry’ to children,” saad ni Kathryn.

“Also, please don’t forget to take good care of yourself. ‘Wag niyong pabayaan ang sarili niyo dahil marami kayong iniintindi,” payo niya sa tatlong KaTropa.

Samantala, dalawang mapalad na subscriber naman ang nagkaroon pagkakataong mas makilala ang kanilang iniidolo na KaTropa na si Joshua.

Sila ay sina 3Najer Basser, 37, ng Iloilo City at Roselyn Ricorte, 30, ng Pagadian City.

“Akala ko po talaga ay scam lang to nung una, kaya sobrang saya ko po nung nakita ko si Joshua. Maraming salamat po sa TNT, hindi ko po ito malilimutan,” kwento ni Roselyn, na pansamantala munang sinara ang kanyang sari-sari store ng isang araw para lumipad pa-Maynila at makita si Joshua.

“TNT lang po talaga ang load na binebenta ko sa may amin sa Pagadian kasi yun po ang malakas ang signal,” dagdag niya.

Si Najer naman, na tindero ng mga tsinelas at sandal sa palengke, ibinida ang kanyang hindi malilimutang karanasan. “Yung pamilya ko naman, gustong makipagpalit sa akin para ma-meet si

Joshua! Nagpapasalamat ako sa TNT kasi ‘di ko inexpect na mangyayari ito,” kwento niya.

Bigla naman naisipang isorpresa ni Joshua ang mga kaanak nina Roselyn at Najer. “I-video call natin sila para maniwala sila,” sabi ni Joshua, dahilan para siya ay pagkaguluhan ang aktor ng mga pamilya ng mga KaTropa.

“Maraming salamat po dahil bumyahe pa po kayo nang malayo just to spend time with me. I really appreciate your time,” sabi ni Joshua, na nag-kwento rin tungkol sa mga karanasan niya bilang Batangueño nakipagsapalaran sa Maynila.

“Na-overwhelm ako noon sa mga building at sa dami ng pwedeng gawin dito. Pero ngayon, mas na-appreciate ko na yung katahimikan sa probinsiya,” giit niya.

Nagbigay rin siya ng payo para sa dalawang TNT subscriber: “Siguro pareho lang sa payo sa akin ng tito kong pari – maging mabuti at magtrabaho nang marangal at walang tinatapakang ibang tao.”

“Naniniwala rin po ako na darating ang success ‘pag nagsusumikap at kumikilos tayo,” dagdag ni Joshua.

Bukod sa hindi makakalimutang bonding kasama sina Kathryn at Joshua, nagbigay-saya rin ang kakatapos na TNT Paskong Panalo promo sa limang mapalad na grand winner mula North and

Central Luzon, NCR, South Luzon, Visayas, at Mindanao, na nag-wagi bawat isa ng nakakapagpa-bagong buhay na P1 milyon.

Ngayong ika-25 na anibersaryo ng TNT, mas kapana-panabik pa ang mga sulit na data offer, promo, at ‘di matatawarang karanasan para sa mga KaTropa saanman sa bansa, katuwang ang pinakamalakas nitong mobile network.