Biktima Isa sa mga naging biktima ng drug war ng nakaraang administrasyon.

Katotohanan lalabas sa drug war probe ng Kamara; manggugulo di magtatagumpay

Mar Rodriguez Nov 4, 2024
20 Views

IDINEKLARA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang Kamara de Representantes ay nasa tamang panig ng kasaysayan sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa madugong war on drugs campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Sa kanyang speech sa muling pagbubukas ng sesyon ng plenaryo nitong Lunes, sinabi ni Speaker Romualdez na ipagpapatuloy ng Kamara ang imbestigasyon, anuman ang sabihin ng mga tumutuligsa rito, upang lumabas ang katotohanan.

Ayon sa lider ng Kamara, ang mga nais na hadlangan ang Kamara sa paghahanap ng katotohanan ay hindi magtatagumpay.

“Sa mga nagtatangka na pigilan tayo sa paghahanap ng katotohanan at katarungan, isa lamang ang sasabihin ko sa inyo: hindi kayo magtatagumpay sa masamang hangarin ninyo,” ani Speaker Romualdez.

“Dahil unti-unti na nating nakikita ang liwanag at katotohanan, asahan natin na lalo pang titindi ang pag-atake sa ating institusyon. Subalit hindi tayo matitinag. Hindi tayo papayag na muling bumalik ang panahon ng kadiliman at kasamaan,” saad pa nito.

Giit pa ni Speaker Romualdez, ang Kamara ay nasa tamang panig ng kasaysayan.

“And make no mistake — no matter the challenges, no matter the opposition — we will stand our ground,” wika pa ng lider ng Kamara.

“We will not yield to intimidation or pressure. We will not be swayed by the attacks hurled against us. Instead, we will press on with even greater resolve, knowing that the people are behind us, that history will remember our courage, and that our efforts are guided by the principles of justice and integrity,” giit pa nito.

Mensahe ni Speaker Romualdez sa mga kumukuwestyon sa imbestigasyon ng Kamara, “We are here for the people, for the truth, and for the enduring ideals of this Republic.”

“Our work transcends personal ambition; it is about laying the foundation for a nation that is free, just, and governed by the rule of law. We are building a legacy that our children and grandchildren can look back on with pride,” sabi pa nito.

Paalala naman ni Speaker Romualdez sa mga miyembro ng House quad committee, ang mga nais na itago ang katotohanan ay lalaban at ang kanilang ginagawa ay asahang tutuligsain.

“The Quad Comm and our ‘Young Guns’ have become the target of those who prefer the shadows over the light. They attempt to undermine our work, casting aspersions and spreading false narratives to discredit our pursuit of accountability,” saad pa nito.

“Yet, as we stand here today, we reaffirm our commitment to this duty. We are here to do the work without fear or favor, on a mission to uncover the truth, no matter how uncomfortable it may be for some,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang ginagawang imbestigasyon ay hindi madali at kalimitan ito ay taliwas sa agos.

“But history has shown us, time and again, that no force can stand against the truth for long. Evil may cloak itself in power, influence, and wealth, but in the end, it is goodness that triumphs. Truth, though sometimes slow to reveal itself, will always, without fail, prevail,” saad pa ng lider ng Kamara.

Dagdag pa nito, ang paghahanap ng katotohanan ay hindi para sa mga mahihina ang puso.

“It demands courage, perseverance, and unity. We must remember that the road to justice is often fraught with trials. The forces of darkness will not relent easily; they will use every means at their disposal to obscure the truth, sow doubt, and weaken our resolve. But as long as we hold fast to our principles and remain united in purpose, we will prevail,” giit nito.

Pinasalamatan din ng lider ng Kamara ang quad comm sa malaking trabahong ginagawa nito at ang mga opisyal at miyembro ng komite kasama na ang Young Guns bloc na naglalaan ng mahabang oras sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

“The Quad Committee represents not just a legislative effort but embodies our shared commitment to truth, justice, and accountability,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

“Through their outstanding ability to elicit truth from even the most reticent witnesses and sources, combined with significant information gathered from confidential channels, the Quad Committee members have demonstrated a burning resolve to identify and remedy deficiencies in our laws,” dagdag pa nito.

Ayon sa lider ng Kamara nagbigay daan ang pagdinig ng quad comm upang malaman ng publiko ang katotohanan at maisulong ang pagkakaroon ng transparency at accountability sa gobyerno.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga lider at miyembro ng quad comm ay naghain ng dalawang panukalang batas upang matugunan ang butas sa kasalukuyang batas.

Ito ang House Bill (HB) No. 10986 o “Anti-Extrajudicial Killing Act” at HB 10987 o ang “Anti-Offshore Gaming Operations Act.”

Sa ilalim ng “Anti-Extrajudicial Killing Act” ang extrajudicial killing ay ikakategorya na isang heinous crime.

Sa “Anti-Offshore Gaming Operations Act” ay tuluyang ipagbabawal ang anumang uri ng offshore gaming operations sa bansa.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang pagsusumite ng quad comm ng mga dokumento at partial report nito sa Office of the Solicitor General upang imbestigahan na ang mga Chinese national na nagpanggap na Pilipino upang makabili ng mga lupa at makapagtayo ng mga negosyo sa bansa.

Inirekomenda ng quad comm ang paghahain ng civil forfeiture proceedings laban sa mga Chinese na ito.

Muli ring inulit ni Speaker Romualdez ang dedikasyon ng Kamara na makapaglingkod sa bayan.

“Today, we stand on the right side of history, not just as witnesses but as architects of change. The people are watching; history is watching. Let us not falter, for we hold the power to shape the destiny of our nation,” saad pa ng lider ng Kamara.