Lumabas ang tunay na ugali, sey ni mudra
Apr 22, 2025
Calendar

Metro
Kauna-unahang LGU na nakapag-turnover ng 4PH housing bulding sa PH bumida sa Bacolod
Peoples Taliba Editor
Dec 22, 2024
120
Views
BUMIDA ang Bacolod City bilang kauna-unahang local government unit sa bansa na nakapag-turnover ng isang kumpletong gusali sa ilalim ng 4PH Program.
Pinangunahan ni Bacolod Mayor Alfredo Abelardo “Albee” Benitez ang turnover ng Building 1 ng Asenso Yuhum Residences sa Arao para sa mga pamilyang Bacolodnon.
Ang 4PH o “Pambansang Pabahay Para sa Pilipino” Program na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay naglalayong tugunan ang kakulangan sa pabahay sa bansa. Pinatunayan ng Bacolod ang dedikasyon nito sa pagbibigay ng abot-kaya at maayos na tirahan para sa mga mamamayan nito.
Ang mga unang buyer-beneficiary ng Building 1 ay nakatakda nang tumira sa kanilang mga bagong tahanan. Sa kasalukuyan, inaayos na rin ang mga dokumento para sa mga benepisyaryo ng Buildings 2, 3, at 4.
Ang proyektong ito ay resulta ng pagtutulungan ng Bacolod Housing Authority, sa pamumuno ni Ma. Victoria Parrenas, at ng pribadong sektor sa ilalim ng WRS Holdings Consortium na kinabibilangan ng Scheirman Construction Consolidated Inc. at RS Realty Developers Inc.
Malaking tulong din ang mga subsidiyang ipinagkaloob ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), sa pamumuno ni Sec. Jose Rizalino Acuzar, upang gawing mas abot-kaya ang pabahay.
Ayon kay Mayor Benitez, ito ay isang hakbang upang gawing “Super City” ang Bacolod. “Nagsisilbing inspirasyon ang proyektong ito sa urban housing development sa bansa,” ani niya.
Ang Asenso Yuhum Residences ay simbolo ng pag-asa at pag-unlad para sa mga Bacolodnon.
Nagwawasiwas ng boga ‘pag lasing, arestado
Apr 22, 2025
PH flags half-mast para kay superstar Nora
Apr 22, 2025
Chief ng QCPD, CIDU, 2 pang QC parak sibak!
Apr 22, 2025
Pagpanaw ni Pope Francis ipinagluksa ni Yorme
Apr 22, 2025
Lalaki nalambat sa 4 na bilang ng panggagahasa
Apr 21, 2025
Bumbero 2 araw binuno sunog sa Valenzuela
Apr 21, 2025