Martin1

KAUNLARANG PLANADO, KAPAKI-PAKINABANG, MARARAMDAMAN

4 Views

Makikitang nakikipag-ugnayan si Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ng Leyte sa kanyang kapwa mambabatas hinggil sa adyendang lehislatibo ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa sesyon noong Miyerkules.

Noong Martes, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill No. 8466, o ang panukalang National Land Use Act. Inaprubahan ito sa napakalaking boto na 224-3-0.

Ang panukalang sinusuportahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ay naglalayong magtatag ng pambansang balangkas para sa makatuwiran, holistiko, makatarungan, at napapanatiling paggamit ng lupa at likas na yaman, habang binabalanse ang kaunlaran at pangangalaga sa kalikasan at katatagan laban sa sakuna.

Bilang isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, sinabi ni Romualdez na layunin ng batas na matiyak na ang kaunlaran ay “planado, kapaki-pakinabang, at nararamdaman ng mamamayan,” habang pinoprotektahan ang mga magsasaka, komunidad, at mga susunod na henerasyon mula sa mga epekto ng maling paggamit ng lupa.