Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Pacman

Kautusan ng MMDA tungkol sa pagba-vlog habang may operasyon ang ahensiya sang-ayon si Milka Romero

Edd Reyes Apr 15, 2025
26 Views

SINASANG-AYUNAN ni 1-PACMAN Party List Representative First Nominee Mikaela Louise “Milka” Romero ang naging pahayag at kautusan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagbabawal na ang pagba-vlog ng kanilang mga empleyado habang nagsasagawa ng clearing operasyon ang nasabing ahensiya.

Paliwanag ni Romero na mas makabubuting gawing tahimik na lamang ang mga isinasagawang clearing operations ng MMDA sa halip na ipino-post pa ang kanilang video sa social media.

Sabi ni Milka Romero na kung tutuusin ay hindi naman aniya ito nakakatulong para sa ahensiya sapagkat nagkakaroon lamang ng tinatawag na “mixed reaction” mula sa publiko. Kung saan, ang mga hindi natutuwa sa isinasagawang clearing operations ng MMDA ay nagbibigay lamang ng mga negatibong opinion at pahayag laban sa ahensiya.

Dahil dito, dagdag pa ng batang Romero na ang mga ganitong negatibong komento at mga batikos ay hindi makakabuti o makakatulong para sa MMDA. Bagama’t may ilan naman aniya ang sumasang-ayon at sumusuporta sa mga clearing operations ng ahensiya.

Pagdidiin pa ni Romero na upang hindi na mapulaan at makatanggap ng pambabatikos ang MMDA. Pabor siya na gawin na lamang ng tahimik ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng pagbabawal na mai-vlog ang kanilang gawain na naglalayong malinis ang mga lansangan laban sa mga nakahambalang na sasakyan.

Samantala, ikinagalak naman ni Milka Romero ang pagpasok ng 1-PACMAN Party List sa “Top 10” para sa Party List Survey na isinagawa ng Tangere.

Nagpasalamat si Romero sa tiwala at suporta ng mamamayan para sa kaniya at sa 1-PACMAN Party List.