soccer Nakagawa si Kaya FC-Iloilo goalkeeper Zach Banzon ng save sa first half kontra sa Sydney FC sa AFC Champions League preliminary stage playoff Martes ng gabi sa Netstrata Jubilee Stadium. KAYA FC photo

Kaya FC bigo laban sa Sydney

Theodore Jurado Mar 9, 2022
461 Views

NAGLAHO ang pag-asa ng Kaya FC-Iloilo na makapasok sa AFC Champions League sa ikalawang sunod na taon matapos ang 0-5 pagkatalo sa Sydney FC sa preliminary stage playoff Martes ng gabi sa Netstrata Jubilee Stadium.

Sa kabila ng masamang panahon, pumalag ang Copa Paulino Alcantara sa unang 30 minuto nang laro bago binuksan ng Australia’s A-League side ang scoring sa pamamagitan ng goal ni Trent Buhagiar.

Nagbida naman si Brazilian striker Bobo sa kaagahan ng second half upang makalayo ang Sydney FC.

Nakaiskor si Bobo sa 47th minute at nakakunekta ng penalty matapos ang dalawang minuto.

Sa pagkakasibak ng Kaya, ang Philippines Football League champion United City FC ang nag-iisa na lamang na sasabak sa bansa sa pinakamalaking club football competition sa kontinente sa April 15 sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Bumagsak ang Kaya FC sa AFC Cup, kung saan makakasama nila ang Indonesia’s Bali United, Malaysia’s Kedah Darul Aman at Cambodia’s Visakha sa Group G.

Gaganapin ang AFC Cup sa May 18.

Sasamahan naman ng Sydney FC ang two-time winners Jeonbuk Hyundai Motors of South Korea, Japan’s Yokohama F Marinos and Vietnam’s Hoang Anh Gia Lai sa Group H ng ACL.

Umiskor rin ng dalawang beses si Adam Le Fondre para sa Sydney.