fc Nano Amita: Palaban Kaya FC photo

Kaya FC kumpiyansa laban sa Sydney

Theodore Jurado Mar 7, 2022
536 Views

SA kabila na hindi magandang paghahanda, sisikapin ng Kaya FC-Iloilo na malusutan ang mabigat na laban kontra sa Sydney FC ngayon sa AFC Champions League qualifier sa Netstrata Jubilee Stadium in Sydney.

Ang magwawagi sa alas-4:30 na hapon (Manila time) na laro ay siyang mapapasakamay ang qualification sa group stage ng pinakamalaking club football competition sa Asia sa April 15 sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Ang samahan ang two-time winners Jeonbuk Hyundai Motors ng South Korea, Japan’s Yokohama F Marinos at Vietnam’s Hoang Anh Gia Lai sa Group H ang siyang inaasam ng Kaya.

Magmula nang manalo ng Copa Paulino Alcantara kontra sa Azkals Developmental Team noong November ay hindi pa sumasalang ang Kaya.

Samantala, ang mga hosts, na naglalaro sa kasalukuyan sa Australian A-League ay magkakaroon ng malaking bentahe laban sa Filipino side.

Sa pagluWag ng mga quarantine restrictions, nabalik lamang ang Kaya sa ensayo nitong nakalipas na buwan.

Magbibida sina Jarvey Gayoso, Shirmar Felongco, Marco Casambre, Audie Menzi, Dylan De Bruycker, Ryo Fujii, Marwin Angeles, Daizo Horikoshi, Eric Giganto and Kenshiro Daniels sa Kaya, habang magmamando si Zach Banzon sa poste.

Kung mabibigo sa pagkamit ng ikalawang sunod na ACL stint, lalaro ang Kaya sa second-tier AFC Cup kasama ng Indonesia’s Bali United, Malaysia’s Kedah Darul Aman at Cambodia’s Visakha sa Group G.

Nakatakda ang AFC Cup sa May 18.