Shopee

Kaya FC lalahok sa ASEAN Club Shopee Cup

Ed Andaya May 14, 2024
208 Views

NAPILI ang Kaya Futbol Club ng Iloilo bilang kinatawan ng bansa sa kauna-unahang ASEAN Shopee Cup ngayong July.

Ang kumpetisyon, na tatampukan ng 14 clubs mula 10 ASEAN countries, ay may kabuuang US$3 million prize fund.

Magtutuos ang Young Elephants FC (Laos) at Svay Rieng FC (Cambodia) at maghaharap ang Kasuka FC (Brunei) at Shan United FC (Myanmar) sa dalawang kapana-panabik na home-and-away qualifying play-offs sa July 17 at July 24.

Ayon sa mga organizers, ang mananalong dalawang teams ay aabante sa group stage ng regional club championship.

Dalawang groups na binubuo ng tig anim na teams amg maghaharap sa limang mid-week match days, na kung saan susundin ang single round-robin format at home and away matches. Ang mga clubs mula sa parehong bansa ay iiwasang kaagad magharap sa initial phase.

Ang dalawang groups:

Group A — BG Pathum United FC (Thailand), Terengganu FC (Malaysia), PSM Makassar (Indonesia) at Ðông Á Thanh Hóa FC (Vietnam). Dalawa pan gteams ang isasama sa nasabing group matapos ang qualifying round playoffs.

Group B — Buriram United FC (Thailand),Kuala Lumpur City FC (Malaysia), Công An Hà Nôi FC (Vietnam), Borneo FC (Indonesia), Kaya FC (Philippines) at Lion City Sailors (Singapore).

Ang top two teams sa bawat grupo ay aabante sa semifinals, na lalaruin sa April 2 at 30, 2025 ayon sa home-and-away basis.

Ang finals ay gaganapin sa May 14 at 21.

“We’re delighted to be another step closer to the kick-offs after finalizing the draw for the 2024/25 ASEAN Shopee Cup/ After years of tireless effort from everyone involved, the championship is finally coming to life and the matchups are promising an exciting season,” pahayag ni Major General Khiev Sameth, President ng AFF.

“We look forward to having the Shopee Cup™ become a platform for the region’s best clubs to test themselves and elevate the overall standard of the game.”

Dugtong naman ni Huiyan Pan, Regional Marketing Lead of Shopee: “As a fun-loving brand, we hope that Shopee Cup will not only bring enjoyable moments to fans, but also unite the ASEAN football community in a celebration of skill and passion.”

Samantala, ang mga Shopee Cup fans ay makakaasa ng mga exclusiv mmerchandise mula sa Shopee.

Maaari ding mapanood ang mga aksyon online sa bagong lunsad na ASEAN United FC, ang official digital hub para sa apat na major AFF tournaments, kabilang na ang Shopee Cup.