Menzi Nakipaglaban sa bola si Kaya-FC Iloilo player Audie Menzi kay Ulsan Hyundai player Valeri Qazaishvili sa kanilang AFC Champions League group F football match sa Pathum Thani Stadium sa Bangkok noong nakaraang taon. AFP

Kaya FC lumakas ang tsansa sa AFC

Theodore Jurado Mar 2, 2022
323 Views

NAKAKUHA ang Kaya FC-Iloilo ng pag-asa na makapasok sa AFC Champions League sa ikalawang sunod na taon makaraang ianunsyo kahapon ng Asian Football Confederation ang withdrawal ng China’s Changchun Yatai FC sa continental club tournament playoff.

Sa halip na dalawang laro, kinailangan na lang ng Kaya na talunin ang Australia’s Sydney FC sa preliminary stage tie on March 8 sa Netstrata Jubilee Stadium sa Sydney upang makapuwesto ang Philippine club sa Group H.

Umaasa ang Kaya, ang Copa Paulino Alcantara holders, na samahan ang reigning Philippines Football League champion United City FC sa group stage.

“The Asian Football Confederation (AFC) has taken note of the Chinese Football Association (CFA)’s confirmation of Changchun Yatai FC’s withdrawal from participating in this season’s AFC Champions League,” sabi ng AFC sa isang statement.

“Therefore, in accordance with the AFC Champions League 2022 Competition Regulations, the Playoff Stage match between Changchun Yatai FC and the winners of the Preliminary Stage tie between Australia’s Sydney FC and Kaya FC-Iloilo from the Philippines, which was scheduled to take place on March 15, 2022, has been cancelled.”

Kung mananaig laban sa Sydney FC, na kasalukuyang nasa ikalimang puwesto sa Australia’s A-League, makaka-bracket ng Kaya ang two-time winners Jeonbuk Hyundai Motors ng South Korea, Yokohama F Marinos ng Japan at Hoang Anh Gia Lai ng Vietnam.

Ang centralized matches para sa Group H ay lalaruin sa Ho Chi Minh, Vietnam mula April 15 hanggang May 1.

Ang pagkatalo ng Kaya ay maglalaglag sa kanila sa AFC Cup na gaganapin sa June.

Sa ACL qualifiers noong nakaraang taon, nakagawa ang Kaya ng breakthrough nang talunin ang China’s Shanghai Port FC upang maging parte sa prestihiyosong club competition.