KC

KC, Shawie bati na

Vinia Vivar Dec 28, 2024
50 Views

Bati na ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Ito ang ibinahagi ni KC sa kanyang Instagram post.

Ayon sa anak nina Sharon at Gabby Concepcion, nagkausap sila ng kanyang ina. Kung ano ang kanilang pinag-usapan ay hindi na niya sinabi pa.

“Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

“Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I.

She always makes the holidays extra magical and special,” pahayag ni KC.

Sinabi rin ng dalaga ang kanyang willingness para maayos ang lahat sa pagitan nila ng kanyang pamilya, lalong-lalo na nga sa kanila ng kanyang ina.

“For this year’s Christmas season, I’m taking my quiet space to pray, reflect, recharge, reset, and look forward to the blessings I know God has in store for me (and my family)! I know nandy’an lang si God para samin and magiging ok ang lahat. Especially between my mama and me,” aniya

“Grateful for the love and joy I have in my life everyday! From my little pack to yours, I hope your holidays are filled with warmth, laughter, endless cuddles, and love… Cheers to a fresh start for the New Year ahead… God bless us all!,” pagtatapos niya.

Matatandaang last year nagsimula ang problema sa pagitan ni KC at ng kanyang pamilya nang i-unfollow niya ang stepdad niyang si Atty. Kiko Pangilinan at stepsister na si Frankie.

Kasunod nito ay nagkaroon na rin ng balitang hindi maganda ang relasyon nila ni Sharon at inamin naman ito ng Megastar sa kanyang mga panayam.