Suspek

Kelot arestado sa 4 counts ng panghahalay

Edd Reyes May 2, 2025
60 Views

NAARESTO ng mga pulis noong Huwebes sa Caloocan City sa footbridge ang lalaki na akusado ng four counts ng panggagahasa at acts of lasciviousness.

Walang nagawa si alyas Rey, 54, ng Brgy. 185, Malaria, North Caloocan nang timbugin ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan sa footbridge ng M.H. Del Pilar St. Samson Road, Brgy. 3 dakong alas-4:30 ng hapon.

Inilabas ang warrant of arrest laban sa akusado ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Family Court Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Briones ng Branch 1 kaugnay sa kasong apat na bilang ng sexual assault at apat na bilang ng acts of lasciviousness.

May inilaang piyansang P180,000 sa bawat bilang ng kaso o katumbas ng P1.4 milyon para sa pansamantalang paglaya ng suspek.