PCol. Felipe Maraggun, PCol. Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office (RPPO)

Kelot arestado sa Taytay buy-bust; P204K shabu nakuha

36 Views

ARESTADO ang isang hinihinalang tulak matapos mahulihan ng shabu sa isang buy-bust operation sa kahabaan ng Don Hilario Avenue, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal, Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat, nagsagawa ang Taytay Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli ni alyas Adonis, 53, at nakatira sa Taytay, Rizal matapos na magbenta ito ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang anim na pakete na may lamang hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit kumulang sa 30 gramo na nagkakahalaga ng P204,000; buy bust money, recovered cash money at isang pouch.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa Rizal Provincial Forensic Unit (RPFU) para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Taytay Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni PCol. Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) ang matagumpay na operasyon at naninindigan ito na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na nagbebenta ng iligal na droga sa probinsya.