Calendar

Kelot dinampot sa harap ng bahay sa Sta Ana dahil sa carnap
GAME over ang isang 31-anyos na lalaki sa mga operatiba ng Manila Police District Sta Ana Police Station 6 dahil sa kasong carnapping, matapos maaresto sa harap ng bahay nito sakop ng Bgy 877, Sta Ana Manila, Martes ng hapon,
Nakilala ang suspek sa alyas na Wendell, may ka-live in, trike driver, residente ng Sutter St, sa nasabing barangay.
Ayon kay Police Lieutenant Col. Dionelle Brannon, hepe ng MPD Sta ana Police Station 6, bandang 3:45 ng hapon ng daputin ng mga operatiba sa pamumuno ni Police Lt.Ronald Mediana matapos mamataan ang suspek sa harap ng bahay nito,
Bitbit ng mga operatiba ang arrest warrant laban sa akusado na inisyu ni Judge Merianthe Pacita Manzano-Zuraec, ng RTC Branch 51, lungsod ng Manila, sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act,10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.
Ipinag-utos ng korte na maglaan ng P300,000 ang suspek para sa kanyang pansamantalng paglaya.