Calendar

Kelot minaltrato muba menor de edad bago ginahasa
NADAKIP ng pulisya ang 41-anyos na kelot na akusado sa ilang ulit na pagmamalupits sa menor-de-edad na babaing biktima bago ginawan ng kahalayan hanggang tuluyang gahasain sa Valenzuela City.
Inilunsad ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan ang manhunt operation laban sa puganteng nagpapakilala sa mga alyas na “Rambo” at “Daddy” nang maglabas ng warrant of arrest ang hukuman matapos ang ginawa niyang pagtatago sa batas.
Martes ng alas-7:10 ng gabi nang tuluyang masukol nina P/Capt. Ferdinand Orbeta, hepe ng Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng NPD ang akusado sa Barangay Malinta, Valenzuela City matapos ang ilang linggong pagtugis sa kanya.
Gumamit ng alternatibong recording device tulad ng cellular phone ang pulisya nang isilbi sa akusado ang warrant of arrest na inilabas ni Valenzuela Family Court Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Branch 16 para sa mga kasong isang bilang na Statutory Rape, dalawang bilang na sexual assault, isang bilang ng acts of lasciviousness, at apat na bilang na paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Ayon kay NPD Public Information Office (NPD) Chief P/Capt. Marcelina Pino, walang piyansang inirekomenda ang korte sa kasong statutory rape laban sa akusado habang may kabuuang piyansang P400,000 sa dalawang bilang na kasong Sexual Assault, P180,000 sa Acts of Lasciviousness at tig-P80,000 kada bilang sa R.A. 7610 para sa pansamantalang paglaya.