Kelot Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas ang suspek na naaresto makaraang magsisisigaw at naghahamon ng away sa Binondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Kelot na may patalim naghanap ng kaaway sa Binondo, arestado

Jon-jon Reyes May 15, 2025
55 Views

ARESTADO ang 56-anyos na lalaki makaraang magsisisigaw sa kalye at naghahamon ng away sa Muelle Dela Industria Delpan St., Binondo, Manila noong Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si alyas Nitoy.

Base sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon nahuli ang suspek nina Police Master Sergeant Avelino Pacinos Jr. at Police Staff Sergeant Mark Osit.

Nahuli ang suspek habang may hawak na patalim at nagsisigaw sa kalye.

Agad namang sumuko ang lalaki, na hinihinalang lasing, at agad nadisarmahan.