Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas ang suspek na naaresto makaraang magsisisigaw at naghahamon ng away sa Binondo, Manila.
Kuha ni JONJON C. REYES
Metro
Kelot na may patalim naghanap ng kaaway sa Binondo, arestado
Jon-jon Reyes
May 15, 2025
514
Views
ARESTADO ang 56-anyos na lalaki makaraang magsisisigaw sa kalye at naghahamon ng away sa Muelle Dela Industria Delpan St., Binondo, Manila noong Miyerkules.
Kinilala ang suspek na si alyas Nitoy.
Base sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon nahuli ang suspek nina Police Master Sergeant Avelino Pacinos Jr. at Police Staff Sergeant Mark Osit.
Nahuli ang suspek habang may hawak na patalim at nagsisigaw sa kalye.
Agad namang sumuko ang lalaki, na hinihinalang lasing, at agad nadisarmahan.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

