Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Ebike Nakahandusay at wala ng buhay ang driver ng E-Bike matapos masagi at takasan ng driver ng truck sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Kelot na naka-e-bike nasagi ng truck, patay

Jon-jon Reyes Aug 31, 2024
626 Views

PATAY ang isang lalaki na nagmamaneho ng e-bike nang masagi ng truck sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila noong Biyernes.

Kinilala ni Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit, ang biktima na si Alejandro Ormenita, 56, ng 521 Inocencio St., Pasay City.

Ayon kay PMaj. Jaime Gonzales Jr., bandang alas-9:10 ng gabi ng maganap ang insidente habang binabaybay ng truck ang southbound lane ng Mel Lopez Blvd.

Pagsapit sa kanto ng Pacheco St., biglang sumulpot ang E-Bike na minamaneho ng biktima kaya nasagi ng truck.

Tumilapon ang biktima ng masalpok ng truck at tumakas ang truck driver matapos ang insidente.