Shabu

Kelot nagbenta ng droga sa bagong ‘suki,’ yari sa P400K na shabu

Edd Reyes Jan 19, 2025
14 Views

KALABOSO ang inabot ng 46-anyos na lalaki ng pagbentahan ng P3,000 na halaga ng shabu ang bago niyang “suki” ng ilegal na droga at nakuhanan pa ng halos P400,000 na halaga ng shabu noong Sabado sa Navotas City.

Nagulat na lang si alyas Marlon ng sumulpot ang mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes para dakmain siya matapos tanggapin ang markadong salapi mula sa dalawang pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng sachet na may shabu.

Ayon kay Col. Cortes, isinagawa ang buy-bust ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-10:13 ng gabi sa Baywalk, Brgy. Tanza 1.

Bukod sa ibinentang shabu, nakumpiska rin ng mga pulis sa suspek ang 57.69 gramo ng shabu na may halagang P392,292, mga markadong salapi at limang piraso ng P500 na boodle money.

Sinabi ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan na nasa kanilang Forensic Unit na ang nakumpiskang shabu upang isailalim sa chemical analysis.