Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Ending Source: FB

Kelot nagpa-ending sa laro ng Pacers vs Knicks, kalaboso

Gil Aman May 28, 2025
454 Views

ARESTADO ang lalaking nagpataya ng ending para sa laro ng Pacers at Knicks sa Brgy. Parang ng Buho, Santa Maria, Laguna, Martes ng hapon.

Ang pag-aresto ng pulisya sa suspek na si Alyas Justine ay dahil sa paglabag sa municipal ordinance na mahigpit na ipinagbabawal ang number games.

Nagpanggap si Pat. Mark Jayson Estacio na tumaya sa ending ng halagang P20 kasabay sa pag-aresto sa suspek.

Nabawi mula sa suspek ang ending card gayundin ang halagang P120.00 at isang ballpen.