Taga Tinaga sa ulo at sinaksak sa dibdib ng lalaking nag-amok ang isa sa mga pulis na rumesponde noong Biyernes sa Parañaque City.

Kelot nagwala, nanaga ng parak, tiklo

Edd Reyes May 24, 2025
13 Views

Taga1MUNTIK ng matigok ang 45-anyos na pulis dahil sa taga sa ulo at dibdib ng nag-aamok na lalaki noong Biyernes sa Parañaque City.

Inoobserbahan pa sa ospital si P/SSgt. Carlos Navarro ng BF Homes Police Sub-Station-5, at naaresto ang suspek na si alyas “Arnold,” ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Joseph Arguelles.

Ayon sa report, nagsimulang magwala ang suspek dakong alas-10:45 ng umaga habang armado ng kutsilyong pangtaga ng karne.

Nang magresponde ang mga pulis, nilapitan ni Navarro ang suspek upang payapain sa pagwawala subalit bigla na lamang siyang tinaga ng dalawang ulit sa ulo at sinaksak sa dibdib.

Gumamit na ng puwersa ang mga kasama niyang pulis at mga barangay patrol upang madakip ang suspek.

Pinuri ni Arguelles si Navarro dahil buo ang loob ng pulis.