Calendar

Kelot pinagselosan ng kapitbahay, sinaksak sa noo, likod; nabuhay
SINAKSAK ng aircon technician ang kanyang kapitbahay matapos paghinalaang nagkakagusto sa kanyang live-in partner noong Huwebes sa Malabon City.
Inabutan pa ng mga nagrespondeng tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang suspek na si alyas Pec, 40, ng na hawak-hawak na ng mga kalalakihan habang duguan ang biktimang si alyas Erwin, 42, na may saksak sa noo at likod.
Kaagad inaresto nina P/SSg Joseph Lagutao, P/SSg Jaypee Talay at P/SSg Mark Anthony Petilla si alyas Pec habang isinugod sa Ospital ng Malabon ang biktima.
Nabawi ng mga pulis sa suspek ang ginamit na screwdriver sa pananaksak habang inilahad ng biktima sa pulisya na nagselos aniya sa kanya ang kapitbahay kaya siya pinagsasaksak.
Kasong frustrated homicide at BP 6 o illegal possession of deadly weapon ang kasong isasampa ng pulisya laban sa suspek.