Shabu

Kelot tiklo sa P204K shabu sa Taguig

Edd Reyes Nov 14, 2024
49 Views

NAHULI ng mga pulis ang lalaki dahil sa pag-iingat ng 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000 sa kanyang bahay noong Miyerkules sa Taguig City.

Sa search warrant na inilabas ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69, hinalughog ng mga tauhan ni Taguig Police Chief P/Col. Joey Gofort ang bahay ni alyas Armando dakong ala-1:45 ng hapon sa Brgy. Ususan.

Nakuha ng mga pulis sa bahay ng suspek ang siyam na plastic sachet na naglalaman ng 30-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000, isang black box, bungkos ng plastic sachet at iba’t-ibang uri ng drug paraphernalia.

Pangako ng Southern Police District (SPD) na mapuksa ang bentahan ng ilegal na droga.

“We remain relentless in our efforts to rid our communities of illegal drugs. This operation is another step toward ensuring the safety and well-being of our citizens,” sabi ni SPD chief P/Brig. Gen. Bernard Yang.