Kelot tiklo sa pagnanakaw

17 Views

ARESTADO ng mga pulis ang lalaki na miyembro umano ng Akyat Bahay gang sa Quezon City noong Miyerkules.

Kinilala ni QCPD Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, P/Col. Randy Glenn Silvio ang suspek na si alyas Jayson.

Sa report ng Galas Police Station 11, dakong alas-3:35 ng madaling araw noong Mayo 14 pinasok ng suspek ang bahay ng isang biktima sa Brgy. Tatalon, Quezon City sa pamamagitan ng pagsira sa exhaust fan at nilimas ang mga kagamitan.

Nakunan ng mga CCTV ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Victory Ave., Brgy. Tatalon, Quezon City at narekober mula sa suspek ang isang pen-gun na kargado ng bala ng kalibre .38 pero hindi na nabawi ang mga ninakaw niya.

Sasampahan ang suspek ng kasong robbery, violation ng RA 10501 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at BP 881 (Omnibus Election Code) kaugnay ng COMELEC Resolution No. 11067.