Suspek

Kelot timbog sa pagtutok ng boga sa Navotas

Edd Reyes May 11, 2025
23 Views

GunARESTADO ang suspek sa panunutok ng baril sa 63-anyos na lola sa Navotas noong Sabado.

Nakilala ang naaresto na si alyas Joseph na nagalit sa lola matapos makita nito ang nakasukbit na baril sa baywang ng suspek sa Greenzone R-10, Brgy, NBBN.

Sa takot ng biktimang si alyas Lola Bekang, nagtatakbo ito hanggang masalubong ang mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes.

Nadakip agad ng mga operatiba ng Intelligence Unit ang suspek at nakuha sa kanya ang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na may dalawang bala.

Nakatakdang iprisinta ng mga pulis sa Navotas City Prosecutor’s Office ang suspek para sa inquest proceedings kaugnay sa isasampang kasong grave threats at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code) laban sa kanya.