Rape Kinakausap ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez ang naarestong suspek sa panggagahasa sa kanyang pinsan na umano’y may problema sa pag-iisip. Kuha ni JonJon Reyes

Kelot timbog sa panghahalay sa pinsan na may problema sa pag-iisip

Jon-jon Reyes Sep 24, 2024
146 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Baseco Police Station 13 ang lalaki na umano’y pinagsamantalahan ang pinsan niya na may problema sa pag-iisip sa tabi ng 3-taong gulang na lalaki sa Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Manila noong Martes.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, hepe ng MPD Baseco police, ang naarestong suspek na si alyas Pipoy, 32.

Bago ang insidente, nasa loob ng kwarto at nakahiga ang biktima kasama ang kanyang 3-anyos na anak nang biglang pumasok ang suspek.

Pinagbantaan umano ng suspek ang biktima bago sinimulan ng suspek na tanggalin ang sando, shorts at panloob ng biktima.

Nagsimulang halayin ng suspek ang biktima at makalipas ang ilang minuto, puwersahang ipinasok ng suspek ang kanyang ari sa biktima habang nilalamas nito ang kanyang dibdib.

Matapos ang insidente, dumating ang ama ng biktima saka agad na isinuot ng suspek ang kanyang short at lumabas ng kwarto.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang ama sa mga pulis kaya umaksyon ang mga tauhan ng Baseco police at tinungo ang Block 2, Habitat, Brgy. 649, Zone 68, Baseco compound, Port Area, Manila kung saan naroroon pa ang suspek.

Kinilala ng biktima ang suspek at agad na naaresto. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Rape).