Kelot titimbugin sa shabu lumaban, agaw-buhay

66 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Agaw-buhay sa ospital ang drug suspek na nakipagbarilan sa mga awtoridad sa Purok 6, Brgy. Pag-olingin East, Lipa City, Batangas noong Sabado, ayon kay Batangss police director P/Col Jacinto R. Malinao Jr.

Nasugatan ang suspek sa buy-bust ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Team (CDET) ng Lipa City police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa suspek na si Alyas Expidito.

Biglang nanlaban ng suspek at sinubukang tumakas sa pamamagitan ng pagbaril sa mga pulis na nag-udyok sa mga pulis para barilin din siya.

Bumagsak na sugatan ang suspek at isinugod sa NL Villa Memorial Hospital.

Nakarekober sa suspek ang sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, isang P1,000 note na marked money at isang baril na cal. 45 pistol.