Puregold-Sta. Cruz may bomba raw; walang sumabog
Oct 11, 2026
‘Abba Father’ tema na 48th anibersaryo ng JIL
Oct 11, 2026
Presyo ng bottled water sana di tumaas
Oct 11, 2026
Calendar
Metro
Kelot tumalon sa riles ng LRT-1
Peoples Taliba Editor
Aug 21, 2023
592
Views
ISANG 26-anyos na lalaki ang tumalon sa riles ng Light Rail Transit Line 1 habang paparating ang isang tren noong Sabado ng umaga, Agosto 19.
Ayon sa inilabas na impormasyon ni Jorjette Aquino, Assistant Secretary for Railways ng Department of Transportation (DOTr), tumalon ang lalaki sa south bound track ng Blumentritt Station.
Nakapag-emergency brake naman ang operator nang makita ang lalaking tumalon.
Dahil dito ay pansamantalang nagpatupad ng provisional service ang LRT-1 at ang biyahe ay nilimita sa Baclaran hanggang Central Station at pabalik alas-6:12 ng umaga.
Ang tumalong lalaki ay dinala naman sa pagamutan.
Naibalik ang full operation ng LRT-1 alas-6:44 ng umaga.
AMA,70, PINAPULIS NG SARILING ANAK SA PANANAKOT
Oct 11, 2026
9-anyos nagsumbong ukol sa paggahasa ng ama
Oct 10, 2026

