Bishop Source: Bishop Jose Colin Bagaforo FB

Kidapawan bishop may mensahe para sa Kuwaresma, Ramadan

142 Views

SINABI ni Jose Colin Bagaforo, Obispo ng Diocese of Kidapawan, na sabay na magsisimula ang banal na buwan ng Ramadan at ang Kuwaresma (Ash Wednesday) sa Pebrero 18, at tinawag niya itong isang “shared beginning is a grace.”

Sa kanyang mensahe hinggil sa sabayang pagdiriwang ng Ramadan at Lenten Season 2026, binigyang-diin ni Bagaforo na ang natatanging pagkakataong ito ay paanyaya sa mga Kristiyano at Muslim na magbagal, manalangin, at maglakad nang magkasama sa pananampalataya.

Aniya, sa gitna ng mundong puno ng hidwaan at karahasan, ang panalangin at pag-aayuno ay hindi lamang dapat manatili sa ritwal kundi isabuhay sa pamamagitan ng pagkakapatiran, malasakit sa mahihirap, at pag-aalaga sa kalikasan. Ipinaalala rin niya na ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng digmaan kundi tamang ugnayan sa Diyos, kapwa, at sangnilikha.

Bilang chairman ng CBCP Commission on Inter-Religious Dialogue, hinikayat ni Bagaforo ang mga komunidad ng Kristiyano at Muslim na sama-samang manalangin at kumilos para sa kapayapaan, at gawing konkretong gawa ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtutulungan at paggalang sa isa’t isa.