Rodriguez

‘Kill BBM’ suspect timbog

300 Views
Michael Go
Ang suspek na si Michael Go ay naka-detain ngayon sa Camp Tomas Karingal sa Quezon City matapos arestuhin sa pagbabantang papatayin niya umano si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

BBM camp nagpasalamat sa QCPD, sineseryoso threats mula sa gustong humarang kay ‘Pres. Marcos’

SINALUDUHAN ng kampo ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang Quezon City Police District (QCPD) dahil sa mabilis na pag-aresto sa isang suspek na nagbanta sa pamamagitan ng social media na papatayin siya para ipaghiganti raw ang mga namatay na kapwa niya aktibista na biktima kuno ng martial law.

Ang suspek ay kinilalang si Michael Go, 49, Grab driver, tubong Arayat, Pampanga at naninirahan sa 128 Jose Abad Santos St., Bgy. Sta. Lucia, Novaliches.

“I was blocked by Marcos, Jr. Pakisabi mag-ingat siya sa Tandang Sora QC. Pagdumaan siya dun babarilin ko siya di ako takot makulong. Hindi rin ako takot mamatay. Isang malaking karangalan ipaghiganti mga kasama ko aktibista biktima ng martial law,” ani Go sa kanyang Twitter post noong March 15.

Ayon kay Col. Julio Abong, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang pag-aresto kay Go ay bunga ng inihaing reklamo ng kampo ni Marcos sa kanyang tanggapan.

“We commend the QCPD leadership under Gen. Remus Medina, for their quick action in apprehending the primary suspect who was responsible for issuing death threats against former Sen. Ferdinand’ Bongbong’ Marcos,” ani Atty. Vic Rodriguez, chief -of-staff and spokesman of Marcos.

“As much as we are trying to elevate our campaign to highest possible level, there are still some groups and individuals who could not seem to accept our call for unity. We take these threats very seriously because we know that there are some groups who could be out to bring him harm just to stop him from winning the presidency,” sabi pa niya.

Ang pagkakakilanlan ni Go ay natukoy sa pamamagitan ng masinsinang pagsasaliksik ng grupo ng QCPD-Anti Cybercrime Unit sa pangunguna ni Police Lt. Michael Bernardo.

“Bale po kasi may post siya naka-confine raw siya sa isang hospital kaya nang i-check namin, positive siya si Michael Go,” ani Col. Abong na isa ring abogado.

Agad nagkasa ng follow up operation ang mga elemento ng CIDU at Anti Cybercrime Unit at sa bahay ng suspect. Kusang loob na sumuko ang suspect sa harap ng mga barangay officials.

Sa imbestigasyon, itinanggi ni Go ang paratang laban sa kanya.

“Hindi po aking account iyan kasi wala po akong Twitter account at yung FB account ko naman po ay hindi Michael Go kundi binaliktad kong pangalan na Leahcim Og,” ani sa Go.

Ayon kay Officer-on-case Police Cpl. Camilo Ross, sinusuri pa nilang maigi ang mga alibi ng suspect.

Nakakulong na ngayon si Go sa QCPD-Anti-Cybercrime Unit habang inihahanda ang kasong Grave Threat o RA 10175 ng Cyber Crime Prevention Act laban sa kanya.