Calendar
Kim masaya sa panunumbalik ng lakas ni Kris
Isa si Kim Chiu sa masayang-masaya sa unti-unting panunumbalik ng lakas ng kanyang “ate” na si Kris Aquino.
Ipinost ni Kimmy ang mga larawan ng pagbisita niya kay Krissy sa socmed at sa caption ay ipinahayag niya ang kasiyahan na makitang naka-smile na ulit ang kanyang ate.
“Time may have passed, but some friendships remain timeless. Seeing ate @krisaquino after so long felt like no time had passed at all. It was so heartwarming to see her smile, even as she continues to regain her strength,” ani Kim.
“With prayers and medicine, you’ll get better soon, ate,” mensahe pa ng aktres kay Kris.
Nagpasalamat din siya sa bunsong anak ni Tetay na si Bimby sa pag-estima sa kanya.
“Thank you for letting us visit, and of course, thank you, Bimb, for taking care of us — lalo na sa pa-extra rice ni @darla ! Hihi nice to see you again @milesocampo thank you miga darla nadayun jud ta!” sey niya.
Makikita rin sa larawan na kasabay na bumisita ni Kim kay Kris sina Darla Sauler at Miles Ocampo.
Ipinost din ng Chinita Princess ang larawan ng early birthday gift sa kanya ni Kris na isang malaking Mega Space Molly Sweet Dreams Bear figure.
“Thank you so much, ate, for the early birthday gift — ang laki pala nito! Haha! And also I am always thankful for you ate for everything. Love you so so soo much!” ang pasasalamat ni Kimmy kay Kris.
Ibinahagi rin ng aktres ang mga larawan ng dinner nila ng mga dating kasama sa “Pinoy Big Brother” na sina Robi Domingo, Echong Dee, Bianca Gonzalez at Melai Cantiveros.
“And to my PBB fam, pamilya ni Kuya fam, last night was truly special! Catching up, reminiscing old memories, and laughing over our classic kwentos — it’s always a blast! Hihi! Love you, fam! ‘Til our next catching-up session!” aniya.
Sinabi rin ni Kim sa caption na hindi siya makapaniwala na nasa GMA-7 na ang “PBB.”
“Congratulations @mrandmrsfrancisco and @iamrobidomingo on PGT, and congrats to @pbbabscbntv celebrity collab on GMA!!! Still can’t believe PBB is now on GMA — let’s go, fam!” sey ng aktres.