Cong Roland M. Valeriano

Kinasasangkutang aksidente ng mga MC taxis beberipikahin muna

Mar Rodriguez May 22, 2024
280 Views

Cong Roland M. Valeriano Cong Roland M. Valeriano Cong Roland M. ValerianoNg Committee on Metro Manila Development –Valeriano 

KINAKAILANGAN munang beripikahin ng House Committee on Metro Manila Development na pinamumunuan ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano ang inilatag na reklamo laban sa mga riders “motorcycle taxis” patungkol sa kinasasangkutan nilang aksidente sa lansangan.

Sa ginanap na hearing ng Committee on Metro Manila Development, ipinahayag ng isang concerned group matapos silang maimbitahan ng Komite bilang resource person ang kanilang pagkabahala at concern kaugnay sa talamak na aksidente na kinasasangkutan ng mga MC taxi riders.

Ipinabatid ng grupo na batay sa kanilang pag-aaral. Nakalap nila ang tinatayang nasa 50 kaso ng aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga MC rider taxis. Kaya idinudulog nila sa Komite ang agarang aksiyon nito laban sa mga MC taxi riders na walang pakundangan sa kanilang pagmamaneho.

Gayunman, tiniyak ni Valeriano na sisikapin ng kaniyang Komite na beripikahin o “i-validate” ang katotohanan kaugnay sa nasabing kaso at pag-aralan kung ano ang maaari nilang gawin para solusyunan ang mga aksidente sa lansangan batay sa sumbong ng concerned group.

Ayon kay Valeriano, sinasang-ayunan din nito ang mungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kinakailangang sumailalim sa training o proper training ang lahat ng motorcycle taxi riders na kinabibilangan ng Joy Ride, Angkas, Move IT at Grab para maiwasan ang mga nasabing aksidente.

“We have to validate that kung totoong mayroong mga ganoong aksidente. Nevertheless, dapat nga siguro na magkaroon ng proper training ang mga rider ng motorcycle taxi base sa suggestion ni Atty. Nunez ng MMDA o yung parang seminar para maiwasan ang mga aksidente,” wika ni Valeriano.

Binigyang diin ni Valeriano na hindi na maaaring kanselahin o tanggalin ang mga MC taxi riders base lamang sa mga insidenteng kinasasangkutan nila sa lansangan. Subalit ang kailangan lamang gawin ay magkaroon ng seminar para sa kanila.