Kiray at non-showbiz BF engaged na

Vinia Vivar Apr 22, 2025
16 Views

Engaged na si Kiray Cellis sa non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Ang comedienne/businesswoman mismo ang nag-anunsyo ng magandang balita sa Instagram.

Ibinahagi ni Kiray ang mga larawan ng isinagawang marriage proposal ni Stephan at makikita nga rito ang pagluhod ng boyfriend sa kanya para mag-propose at ialay ang engagement ring.

Sa isang picture ay makikitang naging emosyonal si Kiray habang nagpo-propose si Stephan.

Caption ni Kiray, “Ang CEO ng Hot Babe, Hello Bloom at Day-Li ay ENGAGED na!!!”

Sa comment section ay mababasa ang pagbati ng mga kapwa-celebrities ni Kiray at masaya sila para sa aktres.

Last December, 2024 ay ipinagdiwang ng magdyowa ang kanilang fifth anniversary. Medyo matagal na rin sila kaya marami na rin ang nagtatanong kay Kiray kung may plano na ba silang magpakasal.

Kamakailan nga lang ay tinanong din ito sa kanya ni Boy Abunda nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” at ang sagot ng komedyana ay hindi pa siya ready na mag-asawa pero napag-uusapan na rin nila ng boyfriend ang tungkol sa kasal.