Knights TINANGKA ni College of Saint Benilde’s Will Gozum na makaiskor laban kay Letran’s Jeo Ambohot sa kanilang NCAA men’s basketball match kahapon sa La Salle Greenhills Gym. Photo courtesy of Ben Maniclang

Knights umariba laban sa Blazers

Theodore Jurado Mar 27, 2022
317 Views

NALUSUTAN ng back-to-back title-seeking Letran ang masamang simula upang igupo ang College of Saint Benilde, 67-63, sa umpisa ng NCAA men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills Gym kahapon.

Si Fran Yu, ang Season 95 Finals MVP, ay scoreless sa first half ngunit bumawi sa krusyal na sandali at tumapos na may 12 points para sa Knights.

“It was tough,” sabi ni coach Bonnie Tan makaraang mairaos ng kanyang tropa ang season opener ng maikling single-round tournament.

“Very important. Sa huddle, [sinasabi namin na] every game dito championship. We treat every game as a championship game.”

Mula sa 12 points na pagkakabaon, nakuha ng Letran ang abante sa unang pagkakataon, 60-59, mula sa isang Rhenz Abando triple sa 4:25 mark ng payoff period.

Huling lumamang ang Blazers, 61-60, bago umiskor ang Knights ng limang sunod na puntos na tinuldukan ng split ni Yu sa free throw line upang makaluwag sa 66-61.

“Ayaw magpatalo ng mga bata. Luckily, nag-step up yung mga veterans. Nag-step up noong bandang fourth noong kailangang kailangan,” sabi Tan.

Ang athletic na si Abando, na transferee mula sa University of Santo Tomas, ay bumandera para sa Letran na may game-high 19 points bukod sa walong rebounds, apat na blocks at tatlong assists.

“We just met last February. We wanted to let Rhenz to play with his full potential but we are not rushing him,” sabi ni Tan.

Bumida naman si big man AJ Benson ng 16 points at walong boards habang nag-ambag si Carlo Lim ng 10 points para CSB, na nabigong bigyan si coach Charles Tiu ng winning debut.

Si Will Gozum, na transferee mula sa University of the Philippines, ay nagbigay naman ng walong puntos at apat na assists.
The scores:

Letran (67) — Abando 19, Yu 12, Caralipio 8, Sangalang 7, Javillonar 7, Paraiso 4, Fajarito 4, Mina 3, Olivario 2, Ambohot 1, Reyson 0, Guarino 0.

CSB (63) — Benson 16, Lim 10, Gozum 8, Nayve 7, Cullar 6, Carlos 6, Cortez 4, Davis 2, Lepalam 2, Marcos 2, Sangco 0, Flores 0.
Quarterscores: 10-16, 30-33, 49-55, 67-63.