Hagedorn

Kongresista: Automation sa BOC tutuldukan korapsiyon, smuggling

Mar Rodriguez Feb 2, 2023
186 Views

NANINIWALA ang isang kongresista na maaaring igiit ng Kamara de Representantes ang pagkakaroon ng “automation” sa Bureau of Customs (BOC) para matuldukan na ang matagal na nitong problema patungkol sa tamalak na korapsiyon at illegal smuggling.

Sinabi ni Palawan 3rd Dist. Cong. Edward S. Hagedorn na ang nakikitang nitong epektibong paraan upang tuluyan ng mapuksa ang palasak na graft and corruption at illegal smuggling sa loob ng BOC ay ang pagpapatupad ng “automation” dito.

Ayon kay Hagedorn, maaaring ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ang magbigay ng inisyatiba para mapasimulan ang “automation” ng BOC sa pamamagitan ng pagigiit o pag-impose sa mga opisyal ng ahensiya na kailangan nilang ipatupad ang nasabing hakbang.

Nainiwala si Hagedorn na hindi man mabawasan ng 100% ang korapsiyon sa BOC sa pamamagitan ng “automated inspection”. Subalit iginigiit ng mambabatas na malaki pa rin ang magiging kabawasan nito dahil mawawala na ang “human intervention” na pinagmumulan ng mga anomalya.

Ayon sa mambabatas, kapag nabawasan ang human intervention o naging contactless ang sistema sa loob ng BOC pagdating sa mga inspection. Posibleng 10% ng katiwalian ang maaaring mabawas dahil ang automated machine na ang gagawa ng mga inspections.

“Kasi sa human intervention ay duon pumapasok ang mga katiwalian. Kakausapin lang ng isang inspector yung may dala cargo o shipment at sa kanilang pag-uusap ay nagkaka-ayusan na sila. Pero kung automated na iyan, mababawasan na ang human intervention,” paliwanag ni Reyes.

Sinabi naman Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V na maaaring ipadaan sa susunod na budget deliberation ng BOC ang panukalang automation ng ahensiya. Kung saan, maaaring igiit ng mga kapwa niya mambabatas na isasama sa 2024 budget ng BOC ang planong automation nito.

“Nakikita natin dito na yung pinaka-epektibong paraan niyan ay kaming mga congressman ang magbigay talaga ng initiation sa BOC na dapat ay automated na ang kanilang inspection. Pupuwede natin impose iyan sa kanila, it’s either a policy or sa budget natin ipadaan,” ayon kay Dy.