Singson

Kongresista naghain ng panukalang batas para maibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng mga klase.

Mar Rodriguez Jun 5, 2023
161 Views

ISINUSULONG ng isang Ilocano congressman na maibalik sa original na buwan ng Hunyo ang pagbubukas ng mga klase o “opening of classes” sa pribado at pampublikong paaralan. Kabilang na ang foreign at international school sa bansa na nakapaloob sa inihain nitong panukalang batas.

Inihain ni Ilocos Sur 1st Dist. Congressman Ronald V. Singson ang House Bill No. 8508 na naglalayong maibalik sa Hunyo ang opening of classes sa bansa. Kung saan, kabilang na dito ang mga foreign at international schools.

Sa ilalim ng panukala ni Singson, nais ng kongresista na ma-establisa na ang unang Lunes ng buwan ng Hunyo ang maging pagbubukas ng mga klase o academic year para sa mga nasabing paaralan kasabay sa pagbubukas ng klase ng iba pang mga eskuwelahan sa Pilipinas.

Aamiyendahan naman ng panukalang batas ang Republic Act No. 7797 o ang “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days not more than Two Hundred Twenty (220) Class Days”.

Sinabi ni Singson na ang pagbabago sa academic calendar o sa pagbubukas ng mga klase ay bunsod ng ipinatupad na lockdown sa loob ng dalawang taon dahil sa pananalasa ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Gayunman, ipinaliwanag pa ni Singson na dahil nagkaroon na ng lifting sa tinatawag na “pandemic restrictions” at nagkaroon na rin ng full implementation ng “face-to-face” classes. Kailangan na aniyang kumilos ang Department of Education (DepEd) upang unti-unting maibalik sa Hunyo ang mga klase sa mga paaralan.

“More than overhauling, revising and re-designing the existing curriculum other issues on education such as setting a school calendar that is most beneficial to learners should also be considered,” ayon kay Singson.