Rodriguez

Kongresista, naniniwala na bilyong piso ang matitipid ng gobyerno kung ang gagamitin para sa 2025 elections ay ang VCM

Mar Rodriguez May 23, 2024
122 Views

NANINIWALA si Cagayan de Oro City 2nd Dist. Cong. Rufus B. Rodriguez na aabot sa bilyong piso ang matitipid ng gobyerno sa nakatakdang pagdaraos ng 2025 midterm elections kung ang gagamitin ng Commission on Elections (COMELEC) ay ang kasalukuyang Voting Counting Machines (VCM).

Kaugnay nito, hinihikayat ni Rodriguez ang COMELEC na bigyan ng konsiderasyon ang proposal o panukala ng Smartmatic Philippines sa pamamagitan ng isang liham na ipinadala ng kompanya sa nasabing ahensiya na may petsang May 13, 2024 patungkol sa paggamit ng VCM sa darating na halalan.

Sinabi din ni Rodriguez na pinagtibay o ni-reaffirm ng Smartmatic Philippines ang kanilang commitment sa COMELEC para muling kilalanin ang kanilang kontrata sa ahensiya sa pamamagitan ng 90,000 VCM’s na pinaupahan nito (Smartmatic) sa COMELEC noong nakaraang 2015.

Paliwanag pa ng kongresista, alinsunod sa liham ng Smartmatic sa COMELEC. Sinabi ng kompanya na tinatayang 93,977 precinct based Optical Mark Readers (OMR) kabilang na ang Election Management System (EMS) ang covered o saklaw parin ng warranty na tatagal pa ng ilang taon matapos ang 2016 elections.

“COMELEC still owns the Automated Election System (AES) software for EMS, the vote counting system. Consolidated canvassing system (CCS) or the overall system used in the 2025 elections, which the body procured for P402.73 million in 2021. Hence, there is no compelling need to purchase new machines for 2025 elections,” sabi ni Rodriguez.

Binigyang diin pa ni Rodriguez na sa kasalukuyan ay patuloy na naghihingalo o nagdarahop ang Philippine economy bunsod ng matinding kahirapan na nararanasan ng bansa. Kaya mahalaga na mapag-isipang mabuti ng COMELEC kung papaanong makakatipid ang gobyerno sa tulong ng mga VCM’s.

The Philippine economy is struggling with a ballooning public debt as well as yawning budget deficit, which forced the government to spend less and slow down economic growth. The Comelec should highly consider the savings to be derived from utilizing VCM’s,” dagdag pa ni Rodriguez.