Barzaga

Kongresista naniniwala na maganda ang magagawa ni Cong. Rex Gatchalian para sa DSWD

Mar Rodriguez Feb 1, 2023
191 Views

NANINIWALA ang isang kongresista na malaking tulong ang magagawa ni Valenzuela 1st Dist. Cong. Rex T. Gatchalian bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa magandang record na ipinakita nito bilang dating Mayor.

Binigyang diin ni Cavite 4th Dist. Cong. Elpidio “Pidi” F. Barzaga, Jr. na mahusay ang pagkakapili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kay Gatchalian dahilan sa hindi aniya matatawaran ang ipinamalas nitong galing bilang dating local chief executive.

Ipinaliwanag ni Barzaga na bilang dating three-time Mayor ng Valenzuela, ang karisma ni Gatchalian at ang tinatawag na “personal touch” nito sa pangangailangan ng kaniyang mga kababayan ang magiging factor para mahusay ang pamamalakad nito sa DSWD.

Sinabi ni Barzaga na si Gatchalian ay maituturing na “perfect fit” para gampanan ang pagiging Kalihim ng DSWD. Sapagkat bilang dating Mayor ay alam nito at gagap ang mga problema ng kinakaharap ng mga mahihirap at nararamdaman ang kanilang kalagayan.

“He is a perfect fit for the role because he personally knows and has seen the problems of his poor constituents who are in need of medical assistance, livelihood and other basic services,” ayon kay Barzaga.

Ayon naman kay Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na angkop na angkop si Gatchalian para maging Kalihim ng DSWD. Sapagkat ang kinakailangan talagang mamuno sa nasabing ahensiya ay isang taong mayroong malasakit para sa mga mahihirap.

Sinabi ni Madrona na si Gatchalian ang nababagay sa DSWD dahil nakita at naramdaman nito an kalagayan ng mga mahihirap. Katulad ng naging karanasan nito bilang dating Mayor ng Valenzuela.