Abante

Kongresista tinawag hindi sulit POGO sa Pilipinas

Mar Rodriguez Oct 12, 2022
321 Views

BINIGYANG diin ngayon ng isang beteranong Metro Manila congressman na mas malaki pa ang perwisyong naidulot ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa halip na pakinabang. Kung kaya’t tinawag at binansagan nitong “Salot at hindi Sulit” ang nasabing kontrobersiyal na sugal.

Iginiit ni House Deputy Majority Leader at 6th Dist. Cong. Bienvenido “Benny” Abante, Jr. na hindi maituturing na malaking pakinabang ang pananatili ng POGO sa bansa sapagkat malubhang naapektuhan nito ang turismo ng Pilipinas dahil maraming dayuhan ang natatakot na bumista sa bansa dahil sa POGO.

“Hindi na nga tayo nakikinabang diya sa POGO. Naapektuhan pa ang ating turismo dahil maraming dayuhan ang natatakot na magpunta sa Pilipinas dahil sa negosyong ito, kaya sa salip na sulit at salot ang ibinigay nitong POGO sa ating bansa,” diin ni Abante.

Ipinaliwanag pa ni Abante na bago pa man sumiklab at lumaganap ang COVID-19 pandemic sa bansa. Ang Pilipinas aniya ang isa sa mga bansa na mayroong pinaka-maraming dayuhang turista at ang ilan sa mga dayuhang bumibisita ay mula sa China.

Subalit sinabi pa ni Abante na ang pananatili ng POGO ang maaaring isa rin sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng negatibong impact ang promosyon ng turismo sa Pilipinas.

“Prior to the pandemic. Our country marked a record high number of foreign tourist arrivals and a huge percentage of that was from China, so this news could have a huge negative impact on our tourism promotion efforts,” sabi pa ng mambabatas.