Water resources

Kongreso kinalampag na madaliin pagbuo ng Dep’t of Water Resources

Chona Yu Sep 25, 2024
72 Views

KINALAMPAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kongreso na madaliin na ang pagpasa sa panukalang batas na magtatatag sa Department for Water Resources.

Sa ika-6 na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) full meeting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangang tutukan ang tubig sa bansa.

“It’s a department because we are going to reorganize everything. But the original idea was that we will reorganize the entire water management process in the Philippines. But because of the exigencies of climate change, we really have to direct our efforts, our attention to [water],” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi ni Pangulong Marcos kay Senate President Francis Escudero na maglalabas ng executive version ang Malakanyang ukol sa Department of Water Resources bill na maaring gamitin sa debate.

Sa ilalim ng adjusted priorities sa water resources, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na ibigay ang trabaho sa flood control sa water resources body kung saan ang National Irrigation Authority (NIA) ang isa sa coordinating agencies.

Katwiran ni Pangulong Marcos, hindi kasi mareresolba ang problema sab aha at irigasyon sa bansa kung hiwa-hiwalay ang programa at walang komprehensibong plano.

“The mayor of a municipality will only think about what’s happening in their municipality. But water just not work that way. Hindi nangingilala ng boundary ang tubig, kung saan-saan. Basta kung saan ‘yung puwedeng daanan, dumadaan doon,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“That’s why there has to be an overall plan. So, I really think that the we have to include all of those agencies,” dagdag ni Pangulong Marcos.