Velasco

Kongreso nagluksa dahil sa pagpanaw ng kasamahang mambabatas

Mar Rodriguez Feb 22, 2022
533 Views

NAGPAABOT nang taos pusong pakikiramay ang liderato ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pagpanaw ni Tarlac Rep. Carlos “Charlie” Cojuangco, ang anak ng yumao at dating “business tycoon” na si Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr.

Sinabi ni Velasco na labis na ikinalungkot ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ang pagpanaw ng isa sa kanilang mga kasamahan na itinuturing nila bilang isang mahusay na political líder sa loob ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at maging sa loob ng Kongreso.

“The House of Representatives mourns the loss of one of its eminent political party leaders. His untimely demise leaves a void in the Nationalist People’s Coalition (NPC) and the entire House Supermajority coalition. We have lost a leader and a friend,” ayon kay Velasco.