Calendar
Kongreso sisimulan na ang pagtalakay sa P5.268 Trilyon pisong 2023 national budge
Kongreso sisimulan nangtalakayin P5.2K nat’l budget
SISIMULAN na Biyernes ng Kamara de Representantes ang pagtalakay at pagdinig kaugnay sa panukalang P5.268 trilyong pisong “national budget” para sa taong 2023 na tinaguriang “Agenda for Prosperity”.
Ito ang ipinabatid ni House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez na sisimulan na nila ngayong Biyernes (Agosto 26) ang pagtalakay at pagbusisi sa 2023 “proposed national budget” sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sinabi ni Speaker Romualdez na magsisimula ang “budget deliberations” sa pamamagitan ng “briefing” mula sa mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) tungkol sa kalagayan ng “state economy” at “macro-economic parameters”.
Ayon sa House Speaker, kasama siya at ang mga miyembro ng House Committee on Appropriations sa mga “ibi-brief” ng DBCC hinggil sa 2023 proposed budget.
Nabatid pa kay Romualdez na ang magsasagawa ng “briefing” ay sina Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman, Department of Finance (DOF) Sec. Benjamin Diokno, National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Felipe Medalla.
Isasagawa ng Mababang Kapulungan ang “Budget deliberations” apat na araw matapos isumite ng Pangulo sa pamamagitan ni Budget Sec. Pangandaman ang panukalang budget sa Kongreso.
Tiniyak naman ng House Speaker sa kaniyang mga kapwa mambabatas at mamamayang Pilipino na sa pag-apruba ng 2023 national budget ay lagi nilang isasa-alang alang ang kapakanan ng taumbayan at titiyakin nilang makakatugon ito sa pangangailan ng mga Pilipino.