Konstruksiyon ng UDM sa Tondo sinimulan na

Mar Rodriguez Nov 12, 2024
84 Views

 

Valeriano4Valeriano2Valeriano3Valeriano1MATAPOS ang makasaysayang groundbreaking para sa kauna-unahang university campus sa Tondo, Manila inihayag ni Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano na nagsimula na ang konstruksiyon ng Unibersidad de Manila (UDM) na magsisilbing “legacy” ng kongresista.

Ayon kay Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, nagsimula na rin ang onsite ng mga heavy equipments para sa pagpapatyo ng mga pundasyon habang nag-umpisa narin bakuran ang paligid ng construction site para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Nabatid pa kay Valeriano na ang ipapatayong UDM ay mayroong sampung palapag, apat na put walong silid paaralan, labing limang multi-function room at isang multi-purpose gymnasium na magagamit ng mga estudyante.

Dagdag pa ng kongresista na ang Unibersidad de Manila (UDM) ay mayroong kabuuang P400 milyong pondo mula sa Kamara de Representantes at inaasahang makukumpleto ang konstruksiyon nito sa 2026. Ang first tranche ay nagkakahalaga ng P116.4 million mula sa 2024 national budget. Habang ang susunod na tranche namam ay sa 2025.

Sabi ng mambabatas na ang makikinabang sa konstruksiyon ng Unibersidad de Manila (IDM) ay ang buong mamamayan ng Lungsod ng Maynila.

“Hindi lamang ang mga taga District One o District Two ang makikinabang dito sa Unibersidad de Manila. Kundi ang buong mamamayan ng Lungsod ng Maynila. Sa halip na batikusin nila ang proyektong ito. Dapat pa nga ay ipagpasalamat nila,” sabi ni Valeriano.