Calendar
Kontrabando di makakalusot sa BOC
ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating mambabasa.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan, Oman at ibang panig ng daigdig.
Binabati natin sina:
Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Roana San Jose at ang kaibigan ng mga Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niyang OFW diyan sa Oman,
God Bless sa inyong lahat!
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)
***
Dalawang pasahero ng eroplano ang nasa “hot water” ngayon dahil umano sa pagdadala ng “undeclared foreign currency.”
Ang dalawa – isang Hapones at isang Pinoy – ay hinuli sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Ayon sa ulat, noong Enero 22 ay nakitaan ng mga otoridad ng US$272,000 (P15,912,272) ang luggage ng Pinoy na pasahero.
Kinabukasan, Enero 23, ang Hapones ay nahuling may dala-dalang US$8,413,710 , Yen15,040,204 at P62,000 na may kabuang P8,292,166.71,
Sumailalim na sa inquest proceedings ang dalawang pasahero dahil sa umano’y paglabag sa RA No.10863 at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na mahalagang i-deklara ang lahat ng dala-dalang foreign currency.
“The Bureau of Customs (BOC) steadfast in intercepting unauthorized cross-border movement of currencies,” ayon kay Rubio.
Idiniin pa ni Rubio na “we will ensure that those who violate the regulations are dealt with in accordance with the law.|
Ang BOC-NAIA ay pinamumunuan ni District Collector Yasmin O. Mapa.
Ang pagka-aresto ng dalawang pasahero ay magsisilbing babala sa mga taong nagbabalak na gumawa ng illegal activities.
Hindi na basta nakalulusot sa mga “eagle-eyed” BOC personnel ang mga katarantaduhan ng mga iligalista sa lahat ng ports of entry sa bansa.
Nandiyan ang mga nagkalat na CCTV cameras na naka-set up sa strategic areas sa loob at labas ng mga opisina sa aduana.
Hindi lang ‘yan. Mahirap lumusot ang mga kontrabando sa high resolution scanning machines at turuang sniffing dogs.
***
Katapusan na ng Enero bukas (Biyernes).
Malalaman na sa mga susunod na araw ang kabuang revenue collection of gobyerno noong nakaraang taon.
Pero marami ang naniniwala na nakamit ng gobyerno ang 2024 assigned tax take sa kabila ng patung-patong na challenges na hinarap ng bansa noong nakaraang taon.
Itong taon na ito ay doble-kayod na naman ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) para makamit ang kanilang P1.60 trilyong collection target.
Kayang-kaya ‘yan, BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Basta huwag lang ma-distract ang kanilang trabaho ng paparating na May 12 national at local elections.
****
Dapat bantayang maige ng mga otoridad ang presyo ng mga bilihin sa mga merkado, public at private.
Lahat ng lumalabag sa mga batas natin ay kasuhan sa korte para hindi sila pamarisan ng iba pang walang pusong negosyante.
Ito ang mga hoarder, profiteer at mga nandadayang negosyante.
Nandiyan rin ang mga tinderang may madayang timbangan.
Ang kailangan lang ay tumulong ang publiko, lalo na ang mga mamimili, sa kampanya ng gobyerno laban sa hoarding, profiteering at over-pricing.
Huwag natin lalong pahirapan ang mga nsghihingalong mamimili.